Ging Micor

Isang Toxic And Bitter Sister Na Galit Sa Sis and Mom


Dear Ging,


Mayroon akong 55-year-old sister na masyadong difficult at masyadong mataas, at palagi na lamang siyang galit sa akin at sa aking mother. Siya ay may pinag-aralan, tapos ng MBA, maganda ang hanapbuhay before ngunit ngayon ay retired na dahilan sa kanyang kapansanan sa immune-deficiency disease.

Kahit noong kami ay mga bata pa ay hindi kami close. Palagi siyang may complaints about me at sa mga ginagawa ko. Hindi naman ako kasing-talino niya...ako ay isa lamang hamak na titser at simple lamang ang aking buhay with a good husband and four sons. At siya naman ay very popular, talented at graduate siya ng isang college na may pangalan,at mahusay din naman ang kanyang family.

Nagkikita-kita lamang kami kapag holidays at ganon pa rin, palaging may mga scenes na hindi kanais-nais dahilan sa kanyang masamang ugali. Lately, hindi siya nakikipag-kita sa amin dahilan sa ang payo daw sa kanya ng kanyang psychologist ay huwag na siyang makipag-contact sa aming mag-ina.

Ni hindi siya nagpadala ng anything or sent her condolences ng mabiyuda ang aming 80-year-old mother.  Ang hiling lamang ng aking ina ay kami ay maging isang happy family--nag-uusap, nagmamahalan at hindi nagbabangayan kamukha ng nangyayari sa ngayon. Ngunit ayaw ng aking mahal na kapatid ang ganito--ayaw niyang makinig at makipag-usap sa amin.

Ang gusto ko sana ay mapagbigyan ang aming matanda ng ina bago man lamang siya mamatay. Nais kong kami ay magbati-bati na at magusap-usap na as one happy family. Ano ang dapat kong gawin to reach my sister?


HUMBLE SIS

Dear Humble Sis,

     Bakit pa ninyong gustong makipag-ugnayan sa isang kapatid na ayaw namang makipag-ugnayan sa inyo ng iyong ina?

    Naiintindahan ko ang inyong sentimiento na bago man lamang pumanaw ang iyong ina kayo ay magkakasundo na as one happy family. There’s no such thing kung minsan as a perfect family picture. Ang problema ng iyong sister ay deeper than a dry well na wala ka ng makukuha man lamang kahit na isang patak na tubig. It’s that sad.

    Masyadong maraming lason sa katawan ng iyong kapatid at sabihin mo sa ina mo na tumigil na siya (at ikaw rin mismo) to reach out to her. Mahirap nang mag-expect ng pagbabago sa ganyang klaseng tao. I am sure na pati na ang kanyang psychologist ay nahihirapang gamutin siya. 

    I’m sure na ang kanyang problema against you ay nag-start ng childhood na dinala-dala niya hanggang adulthood--at iyan siguro ay ang pagiging close ninyong dalawa ng iyong ina. In spite of her accomplishments at status sa kanyang buhay ay malaki pa rin ang kanyang galit  at ang kanyang jealousy ay walang katapusan.

So ignore her & live with it.

GING

Back to Columnists