Heavy-smoking In-Laws
Gulong Ng Palad
Dear Ging,
Ang aking malaking problema sa buhay ay ang aking mga biyenan o in-laws na parehong chain smokers or heavy-smokers. Kapagka sila ay bumibisita para makita ang kanilang apo, sila ay nangangamoy ng sigarilyo kahit na sila ay lumalabas ng bahay to smoke out their stinking habit. Kaya nga hindi rin kami makapunta para dalahin ang baby sa kanilang bahay ay kasi ay nangangamoy ang kanilang bahay ng cigarette smoke. Wala lamang kaming madabi dahilan buhay nila iyon.
Pero ngayong kami ay may baby na dapat pangalagaan ang kalusugan ay medyo delikado na kami sa kung anong exposure namin siya dadalhim.
Nagalit sila sa amin ng sila ay aming sinabihan tungkol sa kanilang pagsisigarilyo at masamang exposure ng smoking sa kanilang apo.
Kami daw ay aming pinagsusungit ang kanilang unang apo sa kanila at kami raw ay mga ingratong anak sa kanila. Kami ng aking asawa (na anak nila) ay parehong in tune sa aming pag-iisip na iiwas ang bata sa kanilang smoking. How can we tell them na hindi against sa kanila ang aming pagbabawal sa kanilang smoking kung hindi sa health ng aming baby at kanila rin namang apong mahal?
Ang sabi nila ay sobra naman daw kaming nag-istrict tungkol sa baby at they think na rason iyon para ipagdamot for them to see the baby. How can I make them see the picture or logic sa bagay na ito?
First-time Mom
First thing, wag kang mafeel guilty sa pakikitungo mo sa iyong in-laws. Hindi ka unreasonable sa bagay na tungkol sa kalusugan ng iyong anak. Ke bata o matanda ay hindi dapat maexpose sa cigarette smoke. That’s too mean and selfish of them.
Matatanda na sila para maunawaan ang tungkol about smoking--basahin lamang nila ang sinasabi sa cigarette box na “smoking ay hazardous to your health.” Tanga ba sila para hindi nila maintindihan ito o sila ay nagtatanga-tangahan para masunod lamang ang kanilang masamang bisyo.
Ikaw at ang iyong husband ay both responsible parents kaya tama ang inyong ginagawa at maglagay ka ng guidelines o rule sa loob ng iyong bahay, such as “No smoking around around the baby or inside this house.” Tough luck kung hindi pa nila susundin ang iyong house rules. Ang importante ay ang kaligayan hinyong isang pamilya at hindi sila. Kung magtatampo sila dahilan dito ay wala ka ng magagawa. Ginawa mo na ang lahat ng paraan to show them your concerns.
The most important thing is your baby’s safety, and please stick to your guns.
GING









