Ging Micor

Mayamang in-laws
Gulong Ng Palad


Dear Ging, 
    Sinusulat ko ito dahilan sa kagagaling lamang rito ng aking mga biyenan na mayaman na kami ay inupuang mag-asawa para sila ay makatulong sa hindi pa tapos na parte ng aming bahay na pinapagawa.

    Natutuwa naman ako sa kanilang offer and I really appreciate it. But being responsible adults naman, I feel na hindi namin palaging tinatanggap ang kanilang mga offer na ganito.  Kaming mag-asawa naman ay parehong may mahusay na trabaho at never naman kaming humingi sa kanila personally. Sila ang nag-ooffer at palagi namang tinatanggap ng aking asawa. At kung minsan nga as if he’s expecting them to pay for some of his financial problems.

    Ito ang isang malaking bagay na palagi naming napag-aawayang mag-asawa, dahilan sa kung hindi siya nahihiya ako ay talagang hiyang-hiya sa ganitong bagay.     Sa aking part, it always feels nice that we have wealthy in-laws na can always be on the rescue if a crisis would strike us. So, what I mean is, kung sa mga maliliit na maga gastusing itinutustos nila sa amin ay kung ipunin na lamang nila for our future needs. 

    Sabihin mo nga sa akin, Ging, kung ako ay tama o mali, kung ako ay just being stubborn na palaging ina-accuse ng aking asawa. Should I stick to my guns about this matter? Ayaw ko na talagang mag-accept ng any financial help from my rich in-laws.

     Mas gusto kong mangyari na ipakita namin sa kanila na kaya naman naming tumayo sa aming mga paa, na ang kanilang offer ng tulong everytime ay appreciated pero getting to be over-burdened on us na para bang sinasampal nila sa mukha naming mag-asawa na hindi naming kayang mabuhay kung hindi nila kami tutulungan, hindi ba?

     Besides, gusto ko rin namang medyo maging independent ang aking husband from his parents.  All his growing-up period, ganyan na siyang ka-dependent sa kanila at gusto ko namang he should become a responsible son and husband.

    Ok na ok naman ang aming relationship at ito lamang ang isa sa aming mga contentions sa buhay. Ano sa palagay mo, ako ba ay tama o mali sa bagay na ito?

    INDEPENDENT WIFE



Dear Independent Wife,


     Personally, sa akin ay napakagandang situation sa buhay kung merong family members who are always there and willing to help out. Napakaswerte ninyong mag-asawa.  And I thought that was fine.

    Ngayon kung ang sinasabi mo na problem ng iyong asawa sa pagka-dependent sa kanyang parents ay nakaka-affect sa inyong relationship ay ibang bagay na iyan. Because of the dependence na nangyayari sa iyong asawa ay medyo gumagrabe na, dapat ng maintindihan ng iyong mga in-laws ang mga bagay-bagay and they should stop doing what they are doing immediately. Dahilan, I’m sure na sa malaking akala nila sila ay nakakatulong sa inyong buhay.

    Tell them you appreciate what they are doing ngunit nakaka-affect sa relationship ninyong mag-asawa, na gusto mong hindi maging too dependent siya sa parents niya,

     The big problem lies of course within you and your husband. Unang una, ang asawa mong nasanay na sa pagtanggap ng pera o tulong sa kanyang mga magulang ay medyo mahirap magbago na dahilan sa lumaki siya ng ganoon at iyon na ang kanyang mindset.

    Ang gusto mong mangyari might end up futile. Kailangan sigurong ikaw na lamang ang mag-adjust kung gusto mo ng peace in the family. Meet them halfway sa halip na magagalit ka pa. Tanggapin mo na lamang graciously ang mga tulong ng iyong mga in-laws ngunit ipakita ninyong hindi ninyo inaabuso and that you’re living within your means.

It will be better that way for everyone.

        GING         
 

Back to Columnists

Snuggie